|
||||||||
|
||
Small at Medium entrepreneurs madaragdagan ang kita
NANAWAGAN si Pangulong Alfredo M. Yao ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa mga small at medium entrepreneurs na magkaroon ng indirect exports sa iba pang bansa sa Association of Southeast Asian Nations bilang mga supplier at subcontractor ng malalaking kumpanyang Pilipino. Sa ganitong paraan, madaragdagan ang kanilang kita at tubo sa mga kalakal.
Sa pakikipag-usap sa mga kalahok sa pagtitipon ng ASEAN Comprehensive Investments Agreement (ACIA), sinabi ni G. Yao na ang mga mangangalakal ay maaaring makatugon sa mga problemang tulad ng pagiging maliit na kalakal, kakulangan ng financing at kawalan ng export marketing skills sa pakikipagkalakal sa malalaking exporters.
Sa pagkakaroon ng subcontracting agreements, ang SMEs ang tutugon sa pangangailangan ng mga mamimili sa malaking overseas market sa halip na makipagkumpetisyon sa maliit na domestic market.
Ang mga maliliit na mangangalakal ay makikinabang sa bahagi ng ASEAN markets sa pakikipag-usap sa regional at provincial chambers ng PCCI at makibanag sa matching services para sa SMEs at exporters at investment promotion training. Ang PCCI ay nag-aalok din ng technical assistance tulad ng pagbuo ng business plans upang magkaroon ng access sa financing.
Naganap ang ASEAN Comprehensive Investment Agreement sa pamamagitan ng PCCI at sa tulong ng Department of Trade and Industry at ASEAN Business Advisory Council.
Lumago ang kalakal ng mga supplier ng raw materials at services para sa kilalang exporters tulad ng Jollibee Corporation, Splash Marketing, EQ Diapers, Robina Corporation at Yazaki Torres.
Sa pamamagitan ng subcontracting arrangements, lumago na rin ang mga nasa daigdig ng automotive at electronic components industries na nakita na sa mga nakalipas na taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |