|
||||||||
|
||
Jollibee, nakiisa sa sa kampanya ng DSWD
DONASYON NG JOLLIBEE, PAKIKINABANGAN NG MGA KAPUSPALAD. Tinanggap ni DSWD Director Resty Macuto ang donasyong mga laruan at aklat mula sa Joliibee Food Corporation para sa mga kapuspalad na kabataan ng Kalakhang Maynila at mga binagyong pook sa Kabisayaan. (DSWD Photo)
TUMANGGAP ang mga kapuspalad na kabataan sa Metro Manila at mga biktima ni "Yolanda" ng mga laruan at aklat mula sa Jollibee Food Corporation. Ibinahagi ng isa sa pinakamalaking kumpanya ng pagkain sa Pilipinas ang mga laruan at aklat sa Department of Social Welfare and Development.
Sampung karon ng iba't ibang laruan at mga aklat mula kay Isabel Rondares ng Stratworks, Inc. isa sa mga kabalikat ng Jollibee para sa proyektong pinangalanang "MaAga ang Pasko."
Si Director Resty Macuto ang tumanggap ng donasyon sa ngalan ng Department of Social Welfare and Development.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |