|
||||||||
|
||
melo
|
PINANINDIGAN ni Dennis Cunanan, ang pinakahuling saksi sa sinasabing "pork barrel scam," na hindi siya kumita ng salapi sa mga transaksyon.
Sa kanyang pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee kanina, maluha-luhang sinabi ni Cunanan na bakit hindi niya aamining may kinita kung mayroon man sa kanyang kalagayan ngayon. Siya ang nakabakasyong pinuno ng Technology Resource Center.
Taliwas ito sa sinabi ni Benhur Luy na nakita niya si Cunanan na may dalang paper bag na kinalalagyan ng salaping kinita sa "pork barrel." Ani Luy, siya ang naglagay sa salapi sa paper bag na nagkakahalaga ng P 960,000. Ginawa ni Luy ang pahayag matapos tumanggi si Cunanan na nakinabang sa mga transaksyon.
Idinagdag pa ni Luy na nakapangalan ang vouchers na kanyang itinago na may pangalang "DeCu" na nangangahulugan ng pangalan ni Dennis Cunanan.
Sinabi ni Cunanan na maayos ang records ni Luy subalit niliwanag niyang wala siang tinanggap na salapi mula sa opisina ng kontrobersyal na si Janet Lim Napoles. Hindi raw siya makatatanggap na salapi saapagkat siya'y deputy head pa lamang ng TRC noong maganap ang mga suhulan.
Idinagdag pa ni Cunanan na personal niyang ipinag-utos na i-blacklist ang mga non-government organizations na may koneksyon kay Napoles noong naluklok siya bilang pinuno ng Technology Resource Center noong 2010.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |