|
||||||||
|
||
Pamahalaan, desididong maibsan ang kakulangan ng kuryente sa Mindanao
DESIDIDO naman ang pamahalaang matapos na ang kakulangan ng kuryente sa Mindanao.
Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr. na kailangang magtulungan ang mamamayan, ang power distributors at generators.
Ibinalita ni G. Coloma na nag-ulat ang Department of Energy na ang supply ng kuryente sa Mindanao ay 1,064 megawatts kung ihahambing sa peak demand na 1,222 megawatts. Sa madaling salita ay kulang ng 158 megawatts.
Ito ang dahilan ng rotating brownouts na nagtatagal ng dalawa hanggang tatlong oras maliban sa Maguindanao na umaabot ng higit sa 10 oras ang power interruption sa bawat araw.
May kaukulang hakbang ang Department of Energy na kinabibilangan ng paggamit ng generator ng consumer, pag-aayos ng 210 megawatt na STEAD coal-fired power plant sa Misamis Oriental at pag-aayos at rehabilitation ng mga hydro-electric power plants.
Tatagal ang pag-aayos ng 210-megawatt na coal-fired power plant ng hanggang tatlong buwan. May mga ginagawang proyekto sa Mindanao na makapagbibigay ng hanggang 900 megawatts.
Kabilang ditto ang 200-megawatt na coal-fired plant ng Alson's group at ang 300-megawatt na coal-fired plant na pag-aari ng mga Aboitiz. Mapapakinabangan na umano ang mga ito sa susunod na taon.
Mayroon ding 400 megawatt coal-fired plant ang Filinvest na magagamit na sa 2016.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |