|
||||||||
|
||
Bagong Marian group, kinilala ng CBCP
BINIGYAN ng kaukulang pagkilala ang isang grupo ng Marian devotees na nagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ngayong taon.
Sinabi ni Bishop Jesse Mercado na sa taon ng mga layko, ang pagkilala sa mga debotong ito ay napapanahon. Si Bishop Mercado ang chairman ng Episcopal Commission on the Laity.
Isang hapunan ang ginanap kamakailan sa pagkilala sa Confraternity of Mary Mediatrix of All-Grace bilang pinakabagong kasapi ng Sangguniang Layko ng Pilipinas o Council of the Laity of the Philippines.
Ibinigay ang official status bilang kasapi ng Laiko ang Confraternity noong nakalipas na ika-24 ng Enero. Nagpasalamat ang pangulo ng confraternity na si Brenda Padilla at umaasang lalaganap ang kanilang mga samahan sa buong bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |