|
||||||||
|
||
Karamihan ng mga Pilipino gustong malawa na ang Presidential Pork Barrel
MAS maraming mga Pilipino ang nagnanais na maalis na ang "discretionary fund" mula sa pambansang budget, kabilang na ang pondong hawak ng pangulo ng bansa.
Sa isang survey na ginawa ng IBON noong Enero, nabatid na 64.6% ng mga tumugon ang nakababatid na mayroong pork barrel si Presidente Aquino. Karamihan sa mga respondent, 54.4% ang nagsabing dapat nang alisin ito sa national budget.
Ayon sa pahayag ng IBON Foundation, 64.1% ang nakababatid ng pork barrel at karamihan sa kanila, 63.7% ang sang-ayon sa pag-aalis ng pork barrel ng mga mambabatas na kilala sa pangalang Priority Development Assistance Fund. Umabot din sa 65.6% ang naniniwalang dapat ding alisin ang iba pang mga discretionary funds.
Naideklara na ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang PDAF noong nakalipas na Nobyembre subalit ang 2014 national budget ay nagtataglay pa rin ng iba pang discretionary funds na kinabibilangan ng Presidential pork barrel. Wala pang desisyon ang Korte Suprema sa isyu ng constitutionality ng Disbursement Acceleration Program na nasa kamay ng pangulo ng bansa.
Ginawa ng IBON ang kanilang survey mula ika-14 hanggang ika-24 ng Enero at nagkaroon ng 1,500 respondents na mula 18 taong gulang pataas. Mayroong margin of error na plus or minus three percent. Ginawa ang survey sa loob ng 17 rehiyon ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |