|
||||||||
|
||
MMDA, may bagong pakulo
SINUBUKAN ng Metro Manila Development Authority ang kanilang bersyon ng ferry service sa Pasig River kahapon. Ito umano ang isa sa silusyon sa malawakang traffic na idudulot ng sabay-sabay na pagawaing-bayan sa kalakhang Maynila.
Mga lumang tugboats na nilagyan ng mga katawan ng mini-bus ang magbibiyahe mula sa Abril. Mula sa Guadalupe sa Makati hanggang sa Intramuros ang biyahe.
Hahawakan din umano ng pribadong sektor ang river ferries na ito, ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino.
Inalam ng CBCP Online Radio kung mayroon nang prangkisa ang mga tugboat o river ferries na ito at ayon sa MARINA, sa tanggapan ng administrasdor, wala pa itong permiso at hindi ma nai-inspeksyon hanggang kahapon ng hapon.
Mula noong 2007 hanggang 2010, umabot din sa 1.6 milyong mga Pilipino ang sumakay sa river ferries.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |