|
||||||||
|
||
Dinukot na guro sa Sulu, pinalaya na
PINALAYA na ng mga kidnapper ang isang guro sa mababang paaralan sa Patikul, Sulu kaninang umaga.
Ayon sa mga balitang nakarating sa Maynila, sinabi ni Captain Ryan Lacuesta ng 2nd Marine Brigade, ang biktimang si Alrashid Jahang ng Tagbili Elementary School ay pinalaya na kaninang umaga. Dinukot siya ng mga armado kahapon ng hapon.
Mga ika-siyam ng umaga ng palayain ang guro sa Barangay Kadday Mampaliam, sa Patikul. Nakalaya ang guro sa pamamagitan ng kanyang mga kamag-anak at mga opisyal ng pamahalaang lokal na nakipag-usap sa sinasabing mga kamag-anak ng mga dumukot.
Walang balita kung nagbayad ng ransom ang pamilya ng guro. Tuloy umano ang operasyon ng militar laban sa mga dumukot sa guro. Nakikipagtulungan na sila sa pulisya upang mapigil ang mga kidnapping sa Sulu.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |