|
||||||||
|
||
melo/20140317.m4a
|
Paglabas ng mga Pilipino, hindi mapipigilan
PANGINGIBANG-BANSA NG MGA PILIPINO, HINDI MAPIPIGILAN. Likas sa mga Pilipinong magnais mangibang-bansa. Ito ang lumabas sa talakayan sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. Nasa larawan si G. Rico Casco ng International Organization for Migration (may mikropono), sa foreground naman si Fr. Edwin Corros ng CBCP-Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People, Atty. Filbert Catalino F. Flores III ng Office of the Vice President, Ms. Toots Ople ng Ople Policy Center and Training Institute at Atty. Robert Larga ng POEA (dulong kanan).
DAHIL sa kakulangan ng hanapbuhay sa Pilipinas, napipilitang lumabas ang mga mamamayan upang magkaroon ng pagkakakitaan. Sinabi ni G. Ricardo Casco ng International Organization for Migration na karamihan ng mga Pilipinong nangibang-bansa ay base sa kanilang personal na desisyon at walang sinumang nagtulak sa kanila upang mangibang-bansa.
Sa panig ni Atty. Robert Larga, ang nangangasiwa sa Licensing & Regulation Office ng Philippine Overseas Employment Administration, 72 mga employment agencies ang kanilang naipasara noong 2013 dahilan sa mga paglabag sa batas.
Para kay Fr. Edwin Corros, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People, wala pa namang biktima ng human trafficking na lumapit sa mga Pilipinong pari na nakatalaga sa iba't ibang bansa upang humingi ng tulong.
Ikinalungkot ni Bb. Susan Ople ng Blas F. Ople Policy Institute and Training Center, nakalulungkot na napakagaan ng parusang iginawad ng tanggapan ni Kalihim Rosalinda Baldoz sa isang Labor Attache na sangkot umano sa Sex for Flight scam kamakailan.
Sa panig ni Atty. Filbert Catalino F. Flores III, ang kinatawan ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, kailangang tutukan ang kalagayan ng mga manggagawang nasa iba't ibang bansa at matiyak na iginagalang ang karapatan ng milyun-milyong mga Pilipinong naghahanapbuhay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |