|
||||||||
|
||
Bagong arsobispo ng Zamboanga, kinilala
HINIRANG ni Pope Francis si Kidapawan Bishop Romulo de la Cruz bilang bagong Arsobispo ng Zamboanga.
Si Bishop dela Cruz na ngayo'y 66 na taong gulang, na ang hahalili kay Arsobispo Romulo Valles na hinirang bilang Arsobispo ng Davao noong Pebrero 2012.
Ang bagong appointment ay inilabas noong Sabado ng tanghali, ganap na ika-pito ng gabi sa Pilipinas.
Magugunitang lubhang napinsala ang kabuhayan, tahanan at mga mamamayan sa sagupaang naganap sa pag-itan ng mga kawal ng pamahalaan at mga rebeldeng kabilang sa Moro National Liberation Front. Marami pa ring naninirahan sa mga evacuation centers sa paligid ng city proper.
Isinilang si Arsobispo de la Cruz noong ika-24 ng Hunyo, 1947 sa Balasan, Iloilo at nahirang (na-ordenan) sa pagkapari noong ika-walo ng Disyembre, 1972. Naglingkod siyang parish priest sa Tacurong, Sultan Kudarat bago nahirap na rector ng Notre Dame Archdiocesan Seminary sa Sharif Kabunsuan.
Nahirang siyang co-adjutor bishop ng Isabela de Basilan matapos ang 15 taon. Noong Enero 1989, naging Obispo ng Basilan si Bishop de la Cruz by succession at 'di nagtagal ay naging Obispo ng San Jose de Antique.
Noong Mayo 2008, nahirang isang Obispo ng Kidapawan sa pamamagitan ni Pope Benedict XVI. Matatas siyang magsalita ng Ingles, Tagalog, Ilonggo at Chavacano.
Wala pang itinakdang petsa sa pagtatalaga sa kanya bilang Arsobispo ng Zamboanga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |