|
||||||||
|
||
Produksyon ng sardinas, tataas
SA pagsasara ng karagatan sa mga mangingisda sa Zamboanga Peninsula ang dahilan upang madagdagan ang mga kailangan sa pagsasardinas. Magugunitang isinara ng pamahalaan ang pangingisda sa bahaging iyon ng Pilipinas upang lumago ang bilang ng mga isdang ginagamit sa industriya.
Sinabi ni Director Asis G. Perez ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagtagumpay ang programa sa nakalipas na tatlong taon sa tulong ng mga pamahalaang lokal at mga kabalikat na ahensya at mga stakeholder.
Sa ilalim ng pinagsanib na Department of Agriculture – DILG Administrative Order 1, Series of 2011, pansamantalang ipagbabawal ang pangingisda sa East Sulu Sea at Sibuguey Bay upang makahinga ng maayos at dumami ang mga isda sa karagatan. Sarado ang karagatan mula unang araw ng Disyembre hanggang unang araw ng Marso ng bawat taon.
Sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries sa datos ng Bureau of Agricultural Statistics, nagkaroon ng pagtaas ng nadarakip na isda sa commercial at municipal fisheries sa Zamboanga. Lumago ito ng 6.34% noong 2012 at natamo ang 156,143 tonelada mula sa 146,835 noong 2011.
Nabawasan ang produksyon ng may 2.83% noong 2013 sapagkat umabot lamang sa 151,720 metriko tonelada ang nadakip dahilan sa pagbaba ng bilang ng mga sasakyang-dagat na pumalaot dahilan sa sama ng pahaon at ilang magkasunod na bagyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |