|
||||||||
|
||
Joint Foreign Chambers of Commerce suportado ang panukalang susugan ang batas sa pagbabangko
NAGPADALA ng mga liham ang Joint Foreign Chambers of Commerce sa Senate Banks Committee sa liderato ni Senador Sergio Osmeña III at House Banks Committee Chairman Sonny Collantes upang suportahan ang panukalang susugan ang Republic Act 7721 na nagluluwag sa pagpasok at pagkakalakal ng mga banyagang bangko ayon sa Senate Bill 2159 at House Bill 3984.
Sa isang pahayag, sinabi ng Joint Foreign Chambers of Commerce na noong susugan ang Republic Act 7721 noong 1994, layunin nitong magkaroon ng mas maluwag at kakayahang makipagkumpetensya sa mga pandaigdigang bangko.
Pinayagan nito ang pagpasok ng mga banyagang bangko ng hanggang 60% ng mga taong may kakayahang bumoto o banking subsidiary.
Sa pagkakaroon ng anumang pagsusog sa Saligang Batas ay maaaring bigyan ang mga banyagang kumpanya ng hanggang 100% pagmamay-ari. Ang pagpasok sa ekonomiya ng mga banyaga ay makakatulong umano sa paglago ng ekonomiya.
Magkakaroon din ng banking reforms ang Bangko Sentral ng Pilipinas na tutugon sa pangangailangan ng mga stakeholder at kondisyon ng pamilihan ngayon.
Maihahanda rin umano ng Pilipinas ang kailangang reporma para sa ASEAN Banking Integration Framework.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |