|
||||||||
|
||
Tulong para sa mga Pilipino sa Ukraine, tiniyak
KINAUSAP ng isang koponan mula sa Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment sa ilalim ni Philippine Ambassador to Moscow Alejandro B. Mosquera ang may 40 mga Filipino na naninirahan sa Ukraine. Naganap ang pag-uusap sa Hotel Rus sa Kiev kahapon.
Kasama nila si DFA Special Assistant Belinda M. Ante at Labor Attaché David Des Dicang at third Secretary Jeffrey Angelo Valdez mula sa Embahada ng Pilipinas sa Moscow.
Kailangan umanong maghandang lumikas ang mga Filipino sa Ukrine at kailangang makipagbalitaan sa Embahada ng Pilipinas dahilan sa mga nagaganap sa Ukraine.
Tinatayang mayroong 198 mga Filipino sa Ukraine.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |