|
||||||||
|
||
Pilipinas, mananatiling matatag kahit pa binagyo at nilindol
MAKAKAASA ang Pilipinas na mananatiling matatag ang growth rates sa susunod na tatlong taon kahit pa mahirap ang pandaigdigang larangan at may matinding pinsalang idinulot ang bagyong "Yolanda" (Haiyan).
Ang pagkakaroon ng mga hanapbuhay at pangmatagalang reconstruction ng mga tahanan, bahay-kalakal at tanggapan sa mga nasalantang pook ang tinitiyak na susuhay sa mga biktimang makabalik sa kanilang pangkaraniwang buhay.
Ito ang inilabas ng World Bank sa kanilang Philippine Economic Update ngayong Lunes.
Sinabi ni Country Director Motoo Konishi na ang US$ 8 bilyon ang mababawas sa negative impact ng bagyong Yolanda. Magkakaroon ng mas matibay na tahanan, paaralan at health facilities na napinsala ni "Yolanda."
Makakabawi din ang pagsasaka at gaganda ang manufacturing na siyang magpapasigla sa mga nasalanta. Iminungkahi rin ni G. Konishi na kailangang gumastos ang pahalaan sa sektor ng kalusugan, edukasyon at mga pagawaing-bayan.
Idinagdag pa ni G. Konishi na kung ang mga tao, partikular ang mahihirap ay magkakaroon ng maayos na trabaho, makakapag-impok ng maayos at magkakaroon ng sariling kalakal, tiyak na darating ang kaunlaran. Tinataya ng World Bank noong wala pang bagyong "Yolanda" na aabot sa 6.7% ngayong 2014 at 6.8% sa taong 2015 ang economic growth ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |