TAOSPUSO ang pamahalaan sa pagdakip sa mga bantog na kriminal. Ayon kay Pangulong Aquino, makaasa ang madla na madadali na ang mga pagdakip sa mga high profile na pusakal.
Hinahanap na ng mga alagad ng batas ang madudulas na kriminal lalo't dinagdagan ang mga pabuya sa mga magtuturo sa kanilang ikadarakip.
May operasyong ginagawa ngayon, dagdag pa ni Pangulong Aquino sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kanina. Walang ibang detalyes na ibinigay ang pangulo sa pangambang mabulilyaso ang operasyon.
Kabilang sa mga pinaghahanap sina retired General Jovito Palparan, dating Palawan Governor Joel Reyes at kanyang kapatid, at dating Congressman Ruben Ecleo.
Una nang nadakip si Delfin Lee na sinasbaing nasa likod ng pangungulimbat sa bilyon-bilyong pisong pondo ng Pag-IBIG fund.
1 2 3 4 5