|
||||||||
|
||
US$ 300 milyong pautang para sa Edukasyon, pasado na
TINATAYANG may apat na milyong mga mag-aaral sa pinakamahihirap na pook ng bansa ang magkakaroon ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang kakayahang magbasa at magbilang.
Ipinasa na ng Board of Executive Directors ng World Bank ang US$ 300 milyong pautang sa ilalim ng Learning, Equity and Accountability Program Support Project (LEAPS).
Sinabi ni Bro. Armin Luistro na sa programang LEAPS at tulong ng World Bank, maisusulong ng Kagawaran ng Edukasyon ang basic education agenda ng pamahalaan. Hindi lamang mag-aaral ang kanilang mapalakas ang kakayahan kungdi pati ang mga guro mismo. Magkakaroon ng accountability at incentives ang mga guro.
Idinagdag ni Bro. Armin na pagtutuunan ng pansin ang pagbabasa at pagbibilang at tutugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap na mag-aaral.
Sa panig ni Kalihim Cesar Purisima ng Department of Finance na ang programang LEAPS ay sumusuporta sa social agenda ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng edukasyon.
Ipatutupad ang palatuntunang ito sa Region V (Bicol), Region VIII (Eastern Visayas), Zamboanga Peninsula (Region IX), Cordillera Administrative Region, at CARAGA na kinikilalang pinakamahihirap na pook sa bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |