Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga produktong Tsino, nagbigay ng matinding hamon sa kalakal ng ASEAN

(GMT+08:00) 2014-03-14 18:26:29       CRI

 

Photos 1-4 MALAKING HAMON SA PILIPINAS AT ASEAN AT MGA PRODUKTONG MULA SA TSINA. Ito ang sinabi ni Bb. Rosvi Gaetos, Executive Director ng Center for International Trade Expositions and Missions ng Department of Trade and Industry sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa pagbubukas ng Manila Fame sa SMX. Mall of Asia kanina. Tampok sa Manila Fame ang export products ng bansa kabilang na ang mga muebles. (Melo M. Acuna)

MULA ng lumabas ang mga produktong gawa sa Tsina, partikular sa handicrafts, tulad ng mga bag, placemats, mga palamuti sa tahanan noong 1998, nahirapan ang karaniwang export industry ng Pilipinas at mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ito ang sinabi ni Bb. Rosvi C. Gaetos, executive director ng Center for International Trade Expositions and Missions at Director-In-Charge na maraming mga pagawaan ng handicraft at iba pang karaniwang export products ang nagsara. Hanggang ngayon ay naghihingalo ang small at medium enterprises.

Isang dahilan kaya't tinatangkilik ang mga produktong gawa sa Tsina ay ang murang sahod ng mga manggagawa at pagkakaroon ng sapat na raw materials.

Idinagdag ni Bb. Gaetos na kung mayroon mang agwat ang Pilipinas sa mga produkto ng Tsina ito ay ang craftsmanship at kakayahang samahan ng sining ang mga produktong gawa sa Pilipinas.

Maraming mga pamilya ang umaasa sa mga gawang-kamay sa Pilipinas. Subalit ang mga nasa larangan ng exports ay nahaharap sa mga suliraning may kinalaman sa pasahod at paggawa, kakulangan at mataas na presyo ng kuryente at materyales na kailangan sa export products.

May mga bagong pamilihan sa mga produktong gawa sa Pilipinas tulad ng Nigeria at South Africa, Turkey at maging mga bansang na sa Silangang Europa tulad ng Kazakhstan. Ani Bb. Gaetos, ang mga bansang ito ang kinikilalang emerging markets ng mga produktong Pilipino.

Dadalhin din nila ang mga muebles na gawa sa Pilipinas sa isang exhibition sa Estados Unidos sa darating na Mayo. Ito ang kauna-unahang pagtatampok ng mga muebles ng Pilipinas mula noong 2001.

Ginawa ang panayam sa pagbubukas ng Manila Fame, ang Design and Lifestyle Event na sinimulan kanina at magtatagal hanggang sa Lunes, ika17 ng Marso. Na sa ika-59 na edisyon ang Manila Fame na dalawang ulit ginagawa sa bawat taon sa nakalipas na 31 taon. Pinasalamatan ni Bb. Gaetos sina Mina Gabor at iba pang nasa likod ng Manila Fame sa nakalipas na tatlong dekada.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>