|
||||||||
|
||
Pilipino, kasamang nadukot ng mga armado sa Malaysia
KUMPIRMADO ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang balita tungkol sa pagkakadukot sa isang Filipina at isang Tsino ng mga pusakal sa Singamata Resort malapit sa Semporna, Sabah kagabing ika-sampu't kalahati (10:30 P.M.).
Inatasan ng Police Attaché ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ang mga pulis sa may Tawi-Tawi at mga kalapit pook kung sakaling patungo ang mga armado sa kanilang nasasakupan.
Ang mga autoridad sa Pilipinas, lalo na ang mga maritime units at anti-kidnapping operatives ang nakikipagtulungan na sa kanilang Malaysian counterparts at nagpapalitan ng impormasyon at nagtutulungan upang malutas ang usapin.
Ayon sa pahayag na inilabas ng kagawaran bago sumapit ang ika-apat ng hapon, hindi nila mailalabas ang pangalan ng Filipina hanggang hindi nasasabihan ang kanyang pamilya.
Umaasa ang Kagarawan ng Ugnayang Panglabas na madaliang malutas ang usaping ito upang ligtas na makabalik ang mga biktima sa kanilang mga pamilya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |