|
||||||||
|
||
Golf caddies, magkakaroon ng social protection
LUMAGDA ang Social Security System sa isang kasunduan sa Wack Wack Golf and Country Club noong Martes upang masaklaw ng social security ang may 330 caddies sa tanyag na golf club.
Ayon kay Marisu Bugante, (SSS) Vice President ng Public Affairs Division, mahalagang mabigyan ang mga caddie ng social protection. Ang management ng Wack Wack Golf and Country Club ang mangangasiwa sa administrative concerns.
Magkakaroon ng sariling mga alkansya ang mga caddie upang araw-araw silang makakapaghulog at maiiwasan ang bigat nito sa kanilang budget.
Mayroon na ring higit sa 11,000 informal sector persons tulad ng mga tricycle driver at mga nagtitinda sa palengke, kabilang ang mga kababaihan at kalalakihang nasa piitan na may pinagkakakitaan ang nakasama sa SSS.
Kahit ang mga nangungulekta ng basura sa Payatas, ang mga taong sangkot sa recycling ay nagkaroon na rin ng palatuntunan para sa epektibong paraan ng pangungulekta ng kontribusyon upang mabayaran ang prima ng ayon sa takdang oras.
Tumaas na rin ang mga kasapi ng SSS mula sa iba't ibang bansa at nalampasan na ang bilang na isang milyon, o sampung porsiyento ng mga Filipinong nasa iba't ibang bansa.
Karamihan ng mga kasapi ng SSS ay nasa Saudi Arabia tulad rin ng iba't ibang bansa sa Gitnang Silangan. Ang pinakamalaking pinanggagalingan ng remittances ay mula naman sa North America, ang Estados Unidos at Canada.
Ipinaliwanag ni Vice President Bugante na mayroong Administrative Order noong 1984 ang DoLE (Department of Labor and Employment) lahat ng manning agencies ay 'di puedeng magpadala ng mga magdaragat kung walang social security protection. Lumalaki ang bilang ng mga kasapi.
Nakatutok ang SSS sa land-based overseas Filipino workers na marami pang hindi nagkakaroon ng social protection.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |