|
||||||||
|
||
Obispo ng Bacolod, humiling ng panalangin laban sa RH Law
NANAWAGAN si Bishop Vicente M. Navarra ng Bacolod sa mga mananampalataya sa kanyang nasasakupan na lumahok sa pananalangin upang higit na maliwanagan ang Korte Suprema sa kanilang pagtalakay ng Reproductive Health law sa darating na Martes, ika-walo ng Agosto.
Sa kanyang Circular letter, inatasan niya ang lahat ng mga parish priest at mga chaplain na magsagawa ng sama-samang pagdarasal sa kanilang mga simbahan at mga kapilya sa Lunes ng gabi.
Inaasahang tatalakayin ng Korte Suprema ang huling deliberasyon kung naaayon sa Saligang Batas ang Republic Act Number 10354 na pinamagatang "An Act providing for a National Policy on Responsible Parenthood and Reproductive Health" na higit na kilala bilang RH law.
Magkakaroon ng exposition ng Blessed Sacrament kasabay ng pagdarasal ng Santo Rosaryo sa prayer vigil.
Magkakaroon din ng pagdupikal ng mga kampana sa ika-pito at ika-walo ng Abril sa lahat ng Simbahan sa ganap na katanghaliang-tapat kasabay ng pagdarasal at paghiling ng tulong ng Mahal na Birhen na maliwanagan ang mga mahistrado sa kanilang talakayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |