|
||||||||
|
||
Sa Zamboanga, higit sa 64,000 katao nasa evacuation centers pa rin
MALAKING bahagi ng mga nasalanta ng kaguluhan sa Zamboanga City noong Setyembre, 2013 ang nananatili pa sa Joaquin Enriquez Sports Complex at sa baybay-dagat ng Cawa-Cawa.
SA ipinalabas na Humanitarian Bulletin ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na nakikipag-ugnayan din sa Department of Social Welfare and Development, mayroon ding nasa transition sites at mga barangay.
Napupuna na ng pamahalaan ang paglago ng mga karamdaman tulad ng acute respiratory infection, diarrhea at sakit sa balat.
Lumala pa ang kanilang kalagayan sa kakulangan ng ligtas na tubig na maiinom dahilan sa pagbabawas ng rasyon ng tubig noong unang linggo ng Marso dahilan sa kakulangan ng tubig dala ng tagtuyot. Dadalawa ang water tankers na nararasyon sa loob and labas ng Zamboanga Regional Police headquarters.
Sa mga pangyayaring ito, ang humanitarian partners ay nakikipagtulungan pa sa pamahalaang lokal sapagkat kailangan ang pangmatagalang solusyon sa kanilang mga problema. Nagsimula ang paghihirap ng mga internally displaced persons noong ika-siyam ng Setyembre, 2013.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |