|
||||||||
|
||
Epekto ng bagyong "Yolanda" nadarama pa rin
HIGIT sa limang buwan matapos tumama si "Yolanda," tuloy pa rin ang pagtulong ng kinauukulan tulad ng United Nations. Nagpapatuloy na ang pagtulong sa mga biktima sa Western Visayas.
Pababa na ang emergency relief sa pamamahagi ng pagkain at non-food items sa mga biktima ngayong linggong ito.
Tumugon ang United Nations sa mga baybay-dagat na barangay ng Capiz at Iloilo provinces at nababahala sila sa pangangailangan ng mga magsasaka sa kabundukan ng Aklan, Antique at Capiz provinces na nakatanggap ng limitadong ayuda mula sa pamahalaan at mga ahensyang tumutulong. Limitado rin ang mga kagamitan sa pabahay sa mga bayan ng Jamidan at Tapaz sa Capiz.
Sinabi ng mga magsasaka sa pook na bababa ang kanilang mga maaani dahilan na rin sa pabago-bagong panahon. Hirap din silang magdala ng ani sa kabayanan dahil sa masamang kalagayan ng mga lansangan at mahal na mga pataba at pestesidyo. Mga isang-kahig-isang-tuka ang mga magsasakang walang sariling lupain at umaasa sa palay, mais, saging, niyog, kape at mga kamote. Hindi kayang bumili ng kagamitang kailangan sa pagtatayo ng bago at pag-aayos ng mga napinsalang tahanan. Ang mga walang pinagkakakitaan ay nakikitira sa mga punong-punong evacuation centers na walang sapat na tubig at kalinisan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |