Bawat lugar sa mundo ay may kanya-kanyang katangian at kultura. Kung ang isang taga-Asya ay magpupunta ng Amerika o Europa, mapapansin niya agad ang kaibahan sa kaugalian ng mga tao, kaibahan sa kanilang pagkain, kaibahan sa uri ng pamumuhay, kaibahan sa pananamit, relihiyon, etc. Makikita rin niya ang mga katangiang likas at matatagpuan lamang sa lokalidad kung nasaan siya. Kung dadako naman tayo sa Pilipinas, Tsina at Asya, ganoong din ang situwasyon. Kung ang isang taga-Amerika, taga-Europa, taga-Aprika, at taga-Latin Amerika ay mamamasyal sa Asya, kaagad niyang makikita ang mga kaibahan sa pananamit, pag-uugali, relihiyon, pagkain, pakikisalamuha, etc. Kahit mismong mga taga-Asya, kung sila ay magpupunta sa ibat-ibang bansa sa kontinente, marami ang makikita nilang pagkakaiba sa kanilang sariling bansa. Kaya, para sa episode sa linggong ito, tatalakayin natin ang mga bagay, na sa Tsina lang makikita, at ang kuwento ng isang Amerikanong ginugol ang kalahati ng kanyang buhay sa Tsina.
Ayon po sa ating pananaliksik sa ibat-ibang babasahin at peryodiko dito sa Tsina, at pakikipag-usap sa mga Tsino at mga dayuhang matagal nang naninirahan sa bansa, "alam mong ika'y nasa Tsina kapag…" Ang December 25, o araw ng Pasko at January 1 o ating Bagong Taon ay normal na araw lamang.
Samantalang, pagkatapos ng mga 30 araw, doon pa lang ipagdiriwang ang pinakamasaya, at pinaka-enggradeng pagdiriwang sa Tsina (Spring Festival). Di-tulad sa Kanluran at sa Pilipinas, ang Pasko't Bagong Taon ang pinaka-espesyal sa lahat ng pagdiriwang. Dito sa Tsina, ang katumbas ng mga ito ay Spring Festival o Chun Jie sa wikang Tsino. Ito ang kanilang pinagsamang Pasko't Bagong Taon.
Spring Festival sa Tsina
1 2