|
||||||||
|
||
"Alam mong ika'y nasa Tsina kapag…"minsan, makakakita ka ng mga tao sa kalsada na nagsusunog ng pera --- laruang pera. Naniniwala kasi ang mga Tsino na ito ay isang paraan ng pag-alala sa kanilang mga namayapang kamag-anak, at upang magkaroon ng suwerte.
"Alam mong ika'y nasa Tsina kapag…"nakakakita ka ng maraming de-kuryenteng motorsiklo.
Ayon po sa mga nabasa kong artikulo, mayroong mga 121 milyong de-kuryenteng motorsiklo sa Tsina, hindi pa po kasama riyan iyong mga tradisyonal na de-pidal na bisikleta. Ang nakakabilib po ay, halos walang aksidenteng kinasasangkutan ng mga de-kuryenteng motorsiklo sa mga lansangan ng Beijing, kung mayroon man, ito ay mga menor na aksidente lamang.
Mga bisikleta sa Tsina
"Alam mong ika'y nasa Tsina kapag…"ang mga bangko ay bukas tuwing Sabado't Linggo. Hindi lang po iyan, bukas din po sa mga araw na ito ang ilang eskuwelahan at opisina ng gobyerno.
"Alam mong ika'y nasa Tsina kapag… " humingi ka ng malamig na tubig sa restawran at sasabihin sa iyo ng waiter, "wala po kaming malamig na tubig pero mayroon po kaming maligamgam, mainam ito sa sikmura ninyo." Para sa isang dayuhan na tulad ng inyong lingkod, kailangan ang ilang buwang pag-a-adjust bago makagawian ang ganitong kultura. Naniniwala kasi ang mga Tsino, na ang pag-inom ng malamig na tubig ay makakasama sa normal na pag-andar ng sikmura.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |