Kalihim Alcala, nagsabing wala siyang alam
MALINIS umano si Kalihim Proceso J. Alcala matapos lumabas ang kanyang pangalan saa talaan ni Gng. Janet Lim Napoles na nagkamal ng salapi mula sa PDAF.
Sa isang pahayag, sinabi niya na walang anumang koneksyon sa pagitan nila ng kontrobersyal na negosyante sa tagal ng kanyang paglilingkod sa pamahalaan.
Hindi umano matuwid na isangkot at idawit siya sa kontrobersya, dagdag ng Kalihim ng Pagsasaka. Kailangan umanong magkaroon ng malawakan at malalimang pagsisiyasat at hindi basta mga alegasyon. Mahirap umanong sagutin ang mga alegasyon kung walang mga dokumento.
Naglingkod si G. Alcala mg dalawang termino sa House of Represenatives na kumatawan sa Second District ng Quezon bago naging Kalihim ng Pagsasaka noong Hunyo 2010.
1 2 3 4 5