Pamahalaan, nagbabalang magkakaroon ng brownouts sa Luzon
DUMATING na ang pinangangambahan ng madla matapos maglabas ng impormasyon ang National Grid Corporation ng kanilang "red alert" notice sa mga customer sa Luzon dahilan sa pagkakaroon ng problema sa ilang power plants.
Sa kanilang news release, sinabi ng NGCP na ang available capacity sa peak hours mula ikalawa hanggang ikaapat ng hapon ay umabot sa 8,139 megawatts kung ihahambing sa pangangailangan na 8,403 megawatts.
Magkakaroon ng rotating brownouts sa Luzon ngayon dahilan sa kakulangan ng kuryente.
Masusugpo ang kakulangan ng kuryente sa oras na makabalik sa normal ang operasyon ng mga planta sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Naunang sinabi ng Manila Electric Co. na baka magkaroon ng brownouts dahilan sa emergency shutdown ng kanilang planta sa Pagbilao, Quezon.
Nasira din ang Unit 2 ng Sual Power Plant sa Pangasinan.
1 2 3 4 5