|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Retiradong Obispo ng Lucena, naihatid na sa huling hantungan

LABI NI BISHOP PROFUGO, BINASBASAN. Pinamumunuan ni Bishop Eilio Z. Marquez ng Lucena ang pagbabasbas sa labi ng namayapang Obispo sa Katedral ni San Fernando kaninang umaga. Namayapa si Bishop Profugo noong Lunes, ika-12 ng Mayo sa edad na 76. (Melo Acuna)

BIBLIYA AT KRUS, INILAGAY SA KABAONG NG OBISPO. Kabilang sa tradisyon ng Simbahan ang paglalagay ng putting damit, Bibliya at krus sa labi ng Obispo at paring namayapa. Ito ang ginawa sa labi ni Bp. Ruben Profugo sa Katedral ni San Fernando sa Lucena City kaninang umaga bago inihatid ang kanyang labi sa kripto sa ilalim ng altar. (Melo Acuna)
NAPUNO ang Katedral ni San Fernando sa Lungsod ng Lucena kaninang umaga sa pagdaraos ng Misa para sa yumaong Obispo Ruben Tolentino Profugo na pumanaw noong Lunes ng gabi sa isang medical center sa Maynila.
Pinamunuan ni Bishop Emilio Z. Marquez ang Misa at dinaluhan nina Arsobispo Ramon C. Arguelles ng Lipa, Arsobispo Angel N. Lagdameo ng Jaro, Obispo Reynaldo Evangelista ng Imus, Obispo Buenaventura Famadico ng San Pablo, Obispo Jose Oliveros ng Malolos at Obispo Mylo Hubert C. Vergara ng Pasig.
Sa kanyang homilia, sinabi ni Msgr. Leandro Castro, ang vicar general ng Diyosesis ng Lucena na naging isang mabuting pastol sa kanyang nasasakupan ang yumaong Obispo Profugo.
Halos isang daang pari mula sa Diyosesis ng Lucena, Gumaca, Boac sa Marinduque at maging sa Arkediyosesis ng Lipa ang lumahok sa Misa Concelebrada.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |