Sandiganbayan Justice na sangkot kay Gng. Napoles, hindi lalahok sa pagdinig
HINDI lalahok sa pagdinig ng usapin laban kay Gng. Janet Lim Napoles ang isang mahistradong nabalitang sangkot sa kontrobersyal na utak umano ng pork barrel scam kung mapupunta ang isa sa mga usapin sa kanyang dibisyon.
Sa panayam ng GMA TV News, sinabi ni Clerk of Court Joffre Gil Zapata ng Fourth Division ng Sandiganbayan na pinamumunuan ni ng Justice Gregory Ong na hindi lalahok ang mahistrado maipagtanggol lamang ang imahen ng Hukuman.
Idinagdag pa niya na kung sakaling makarating ang usapin ni Senador Jinggoy Estrada at makarating sa kanilang tanggapan, gagawin ni Justice Ong nararapat, ang 'di paglahok sa proceedings.
Ipinag-utos nan g Korte Suprema noong Enero na siyasatin ang balitang may koneksyon si Ong sa pamilya ni Gng. Napoles. Nabanggit umano na isa sa mga whistleblower, si Marina Sula sa pagdinig sa Senado noong Setyembre, na kilala nga ni Gng. Napoles si Ong.
1 2 3 4 5 6 7