VP Binay, nanawagan sa mga Filipino sa Libya: Umuwi na kayo
INULIT ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ang kanyang panawagan sa mga OFW sa Libya na umuwi na muna samantalang lumalala ang situwasyon sa magulong bansa.
Ani G. Binay, huwag na munang makipagsapalaran sa Libya at handa ang Embahada ng Pilipinas na tulungan silang makabalik ng Pilipinas sa loob ng ilang araw.''
Ipinaliwanag niyang magulo ang kalagayan sa Libya at mismong ang Department of Foreign Affairs ng Pilipinas ang nagtaas ng Alert Level 2 sa Alert Level 3 na nangangahulugan ng repatriation o pagpapauwi sa mga Filipinong naroroon sa bansa.
Saklaw ng Crisis Alert Level 3 ang voluntary repatriation ng mga Filipino sa magulong bansa.
1 2 3 4 5 6 7