Malaking pagtitipon sa Ebanghelisasyon, gagawin sa ikapito ng Hunyo
MAGSASAMASAMA ang Catholic Bishops Conference of the Philippines at ang "Live Christ, Share Christ Movement sa unang pagtatanghal ng "New Evangelization Confrence" sa ika-pito ng Hunyo sa SMX Mall of Asia Hall 1 sa Pasay City mula ikasampu ng umaga hanggang ikalima ng hapon.
Inaasahang pamumunuan ni CBCP President Arsobispo Socrates B. Villegas ang pagtitipon.
Nanawagan siya sa mga mananampalataya na magdasal upang mas maraming mamamayan ang tumanggap ng Mabuting Balita ay ipamahagi rin ito sa lipunan.
Maituturing na isang Catholic Expo, magsisimula ito sa ganap na ikasampu ng umaga, kasama ang Eternal Workd Television Network, Word and Life Publications, Radyo Veritas 846, Pauline Books and Media, Caritas Manila ay iba pang mga kasama.
Tatalakayin ang apostolic exhortation ni Pope Francis na "Evangelii Gaudium" ang kahalagahan ng "Choose to be Brave Slogan" at ang Live Christ, Share Christ movement
1 2 3 4 5 6 7