![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
140523melo.mp3
|
Brodkaster, napaslang sa Digos City
ISA na namang brodkaster ang napaslang sa Digos City kaninang umaga. Ayon sa National Press Club, nabaril ng mga hindi pa kilalang kalalakihan si Samuel "Sammy" Bravo Oliverio, 57 taong gulang na blocktimer sa Radyo Ukay.
Sa isang pahayag, sinabi ni Joel Egco, pangulo ng NPC, si Oliverio ang ika-28 mamamahayag na napaslang mula ng maluklok si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III noong ika-30 ng Hunyo 2010.
Nakalulungkot umano na mas maraming napapaslang kaysa mga usaping nalulutas sa panahon ni Pangulong Aquino. Mula noong Hunyo, 2010, pitong mamamahayag ang napapaslang taun-taon.
Sa balitang nagmula sa pulisya, si Oliverio ay sakay ng kanyang motorsiklo mga ika-pito ng umaga kanina sa Del Pilar St., Digos City. Tinamaan siya ng punglo sa ulo. Ikatlong mamamahayag na napaslang sa Digos mula noong 2006. Unang napaslang si Amando Pace noong 2006 samantalang napaslang naman si nestor Bedolido noong 2010. Si Oliverio ay isang komentarista na madalas pumuna sa mga nasa pamahalaang lokal at mga nagpapatakbo ng illegal na sugal at droga.
Ayon sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas national secretariat, hindi accredited broadcaster si Oliverio. Isa umanong blocktimer si Oliverio ng maganap ang pamamaril.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |