Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pandaigdigang okasyon ang gaganaping Eucharistic Congress

(GMT+08:00) 2014-06-10 18:55:36       CRI
Pandaigdigang okasyon ang gaganaping Eucharistic Congress

APOSTOLIC NUNCIO, NAKIKIISA SA PAGHAHANDA PARA S INTERNATIONAL EUCHARISTIC CONGRESS SA 2016.  Nakikiisa si Apostolic Nuncio to the Philippines Guiseppe Pinto (naka-itim) sa paghahanda ng Pilipinas para sa 51st International Eucharistic Congress na inilunsad kanina.  Idaraos ang pandaigdigang pagtitipon sa darating na Enero 2016.  Nasa larawan sina Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle (kaliwa) Manila Archbishop-Emeritus Gaudencio B. Cardinal Rosales, Surigao Bishop Antonieto Cabajog, (dulong kanan), Cotabato Archbishop Orlando B. Cardinal Quevedo, OMI, (pangalawa mula sa kanan) at Cebu Archbishop Emeritus Ricardo J. Cardinal Vidal (pangatlo mula sa kanan).  (Melo M. Acuna)

SINABI ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle na ang idaraos na 51st International Eucharistic Congress sa Cebu mula ika-24 hanggang ika-31 ng Enero sa 2016 ay isang pandaigdigang pagtitipon bilang pagbibigay halaga sa pag-ibig sa Eukaristiya.

Ayon sa Arsobispo ng Maynila, higit pa ito sa World Cup na magsisimula ngayong Hunyo sa Rio de Janeiro, Brazil, sa Winter at Summer Olympic Games, World Economic Forum na idinaos sa Davos, Switzerland at APEC na gagawin sa Pilipinas.

Mahalaga ito sapagkat pagtitipon ito ng mga mananampalataya mula sa buong daigdig tulad ng naganap noong ika-19 na siglo sa Lillie, Francia sa pamamagitan ni Bb. Emilie Tamisier. Layunin nitong mapalalim ang paggalang at pagmamahal sa Eukaristiya, dagdag pa ni Cardinal Tagle.

MGA CARDINAL, ARSOBISPO AT OBISPO NANALANGIN.  Nagkasama-sama ang apat na Cardinal ng Pilipinas sa paglulunsad ng information campaign para sa 51st International Eucharistic Congress na gagawin sa Enero 2016.  Ito ang unang pagkakataong nagkasama-sama sina Cardinal Tagle, Rosales, Vidal at Quevedo.  Makikita si Manila Archbishop Emeritus Gaudencio B. Cardinal Rosales na namumuno sa panalangin sa pagtatapos ng palatuntunan sa Arzobispado de Manila.  Nasa dulong kaliwa si Cebu Archbishop Jose S. Palma at Archbishop Guiseppe Pinto (gitna) at Surigao Bishop Antonieto Cabajog (dulong kanan).  (Melo M. Acuna)

Samantala, sinabi naman ni dating Arsobispo ng Cebu, Ricardo J Cardinal Vidal na malaking biyaya sa kanya na maging bahagi ng ika-33 Eucharistic Congress na idinaos sa Maynila noong 1937 bilang isang first communicant. Dalangin niyang makadalo sa idaraos na Eucharistic Congress sa Cebu sa darating na 2016.

Ipinaliwanag ni dating Manila Archbishop Gaudencio B. Cardinal Rosales na napakahalaga ng Misa sa Pilipinas sapagkat sa Pilipinas lamang nakasama sa Kasaysayan ang umang pagdaraos ng Misa sa pulo ng Limasawa sa Katimugang Leyte noong 1521.

Ani Cardinal Rosales, maghanap na kayo ng bansang kasama sa Kasaysayan ang kauna-unahang pagdaraos ng Misa, 'di tulad ng sa Pilipinas.

Para kay Arsobispo Orlando B. Cardinal Quevedo ng Cotabato, isang magandang pagkakataong idaos ang pagtitipon sa Pilipinas sa ikalawang pagkakataon.

May 5,000 mga delegado mula sa ibang bansa ang inaasahang lalahok sa pagdaraos ng Eucharistic Congress sa 2016. Magkakaroon ng may 10,000 mga delegado mula sa iba't ibang arkediyosesis at diyosesis ng Pilipinas. Inaasahang magkakaroon ng 15,000 kalahok sa pang-araw-araw na katekesis, may 50,000 katao ang inaasahang dadalo sa Opening Mass, may tinatayang 50 hanggang 100,000 kataong lalahok sa Eucharistic procession samantalang may isang milyon katao ang inaasahang dadalo sa closing Mass.

Sinabi naman ni Cebu Archbishop Jose S. Palma na may koordinasyon na sa mga autoridad upang matiyak ang seguridad, trapiko at kalinisan ng pagdarausan ng mga pagtitipon.

Sa pagtitipong idinaos sa Arzobispado de Manila, ito ay naging makasaysayang pagkakataon sapagkat nagsama-sama ang apat na nabubuhay ng cardinal ng bansa na kinabibilangan nina Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle, Cotabato Archbishop Orlando B. Cardinal Quevedo, retiradong Arsobispo ng Maynila Gaudencio B. Cardinal Rosales at retiradong Cebu Archbishop Ricardo J. Cardinal Vidal.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>