|
||||||||
|
||
Mga Katoliko, umaasang makakadalaw si Pope Francis
SINABI ni Cotabato Archbishop Orlando B. Cardinal Quevedo na may dalawang trahedya sa Pilipinas, una ang dulot ng kalikasan at ang pangalawa ay ang trahedyang gawa ng tao.
Nagpapasalamat si Arsobispo Quevedo sa napipintong pagdalaw sa Enero sa mga binagyo sa Palo at Bohol. Bagaman, dalangin din niyang dumalaw si Pope Francis sa Central Mindanao na kinaroroonan ng ibayong kahirapan.
Samantala, sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Tagle na umaasa at nananalangin ang komunidad ng mga mananampalataya sa Pilipinas na dumalaw si Pope Francis sa darating na Enero ng 2015 at magkaroon din ng pagkakataong makabalik para sa 51st International Eucharistic Congress sa Enero ng 2016.
Umaasa rin ang mga organizer ng pandaigdigang pagtitipon na magkakaroon ng mga delegado mula sa iba't ibang bansa tulad ng Tsina. Ani Cardinal Quevedo, sa kanilang karanasan sa Federation of Asian Bishops Conferences, sa bawat pagtitipon nila ay may mga delegadong dumadalo mula sa Tsina at iba't ibang bahagi ng Asia.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |