|
||||||||
|
||
Bangsamoro Basic Law, isinasaayos na
PATULOY ang pagtatrabaho ng Transition Commission sa pagbuo ng Bangsamoro Basic Law sa pamamagitan ng konsultasyon sa iba't ibang sektor at pagbuo ng consensus sa mga kasapi nito.
Sa isang pahayag na nilagdaan nina Executive Secretary Pacquito Ochoa at Mohaqer Icbal, sinabi nilang umaasa si Pangulong Aquino na magkakaroon na isang maayos, praktikal at magdudulot ng poder sa mga mamamayan upang makapaglingkod sa interes ng buong bansa.
Ang Bangsamoro Transition Commission ay nakapagsumite na ng panukalang Basic Law ayon sa mandato nito. Bagama't kailangang matapos kaagad ang Bangsamoro Basic Law, kailangan ang pagkakaroon ng malawakan at detalyadong pagbabalik aral sa mga probisyon ng batas upang matiyak na ito ay ayon sa pinagkasunduan ng magkabilang panig sa loob ng 17 taong negosasyon.
Idinagdag pa nilang dalawa na nakikipag-usap na sila sa Senado at Kongreso upang matiyak na maisusumite sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law sa pagsisimula ng sesyon nito sa Hulyo.
Kapwa naniniwala ang pamahalaan at MILF na ang paggugol ng sapat na panahon ay magiging dahilan ng pagtatamo ng kapayapaan at kaunlaran na pakikinabangan ng mga Filipino, mga Muslim sa Mindanao sa mga susunod na panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |