|
||||||||
|
||
Exports lumago ng 0.8% noong Abril
TUMAAS ang kita mula sa agro-based products, petroleum, minerals, at mga produktong mula sa kagubatan noong abril 2014. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang halaga ng merchandise exports ay lumago at umabot sa US$ 4.54 bilyon, tumaas ng 0.8% mula sa US$4.51 bilyon noong nakalipas na taon. Lumado ang exports ng 12.4% noong Marso 2014.
Ipinaliwanag ni Kalihim Arsenio M. Balisacan na ang mabagal na paglago ng exports ay hindi magtatagal sa unti-unting pagbawi ng ekonomiya sa buong daigdig. Patuloy na lumalago ang export markets ng Pilipinas lalo na noong Abril at napuna ito sa Singapore, Hong Kong, Thailand, Germany, Taiwan at The Netherlands.
Ayon kay Kalihim Balisacan, ang Semiconductors and Electronics Industries of the Philippines ay nananatiling umaasa na ang exports ng Pilipinas na semiconductors ay makakabawi at matatamo ang 5.0% growth target sa electronics exports para sa taong ito.
Nagkaroon ng pagtaas sa Philippine merchandise exports at umabot sa US$ 18.9 bilyon na mas mataas ng 5.4% mula sa US$ 17.9 bilyon noong 2013. Sa mga panindang wala sa manufacturing sector, kumita ng maganda ang agro-based products noong Abril 2013 sa paglago ng 18.1% na nagkakahalaga ng US$ 372.1 milyon.
Malaki ang kinita mula sa mga prutas at gulay, produktong mula sa niyog, asukal at iba pang agro-based products. Nakita ito mula sa saging at pineapple juice.
Nangungunang pamilihan ng mga produktong mula sa mga sakahan ang Japan, People's Republic of China, Republic of Korea kasabay na rin ng pagbawi ng mga sagingang napinsala ng Bagyong Pablo noong Disyembre ng 2012.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |