|
||||||||
|
||
EPIRA, dahilan ng mga problema ng mamamayan
HINDI problema ang hindi maayos na pagpapatupad ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) bagkos ay ang pinaka-batas mismo. Ayon sa mananaliksik na IBON, ang EPIRA ang siyang nagpapahintulot sa mga pribadong kumpanya ng kuryente na maningil ng higit na kapaki-panikabang na rate para sa mga kapitalista na siyang ipinagdurusa ng mga mamamayan.
Napuna ng IBON na ilang mga grupo ng mga mangangalakal na Filipino at mga banyaga ang naglabas ng kanilang paid print advertisement na nananawagan sa pamahalaang pambansa na huwag susugan ang EPIRA sapagkat ang maling pagpapatupad ng batas ang siyang pinakaugat na dahilan.
Ayon sa IBON, sa pamamagitan ng EPIRA na nagiging daan para sa tuwirang pagpasok ng mangilan-ngilang Filipino at banyagang mangangalakal sa power sector, ang deregulation ng generation costs ang nagpapadali sa mga kumpanyang ito na abusuhin ang mga konsumidor sa pamamagitan ng napakamahal na halaga ng kuryente.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |