Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pandaigdigang okasyon ang gaganaping Eucharistic Congress

(GMT+08:00) 2014-06-10 18:55:36       CRI

Salaping 'di napakinabangan ng taongbayan, ipinasasauli

MAGLALABAS ang Commission on Audit ng notices of disallowances na nagkakahalaga ng P 4.96 bilyon sa ilang mga mambabatas sanhi ng kanilang taliwas sa batas na paggastos ng Priority Development Assistance Fund sa mga non-government organizations mula 2007 hanggang 2009.

Ito ang sinabi ni COA Chairperson Graced Pulido Tan sa isang pagdinig sa Mababang Kapulungan hinggil sa nawawalang P 30 bilyon infrastructure funds noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ani Gng. Tan, naglabas na sila ng 19 na notices of disallowance na nagkakahalaga ng P 1.83 bilyon sa tatlong senador at apat na mambabatas sa kanilang paglalabas ng PDAF sa kaduda-dudang non-government organizations. Pinapanagot ang isang tao kung mapapatunayang illegal ang transaksyon sa ilalim ng kasalukuyang batas.

Pinabulaanan niya ang balita ng Philippine Daily Inquirer na nagsabing may ilalabas na notices of disallowance sa may 120 mambabatas. Tumanggi ang COA chairperson sa balita at hindi umano nagmula sa kanya ang impormasyon.

May 19 na notices of disallowance sa pitong mambabatas dahilan sa mga transaksyon sa Technology Resource Center, National Livelihood Development Corporation (NLDC), National Agribusiness Corporation (NABCOR), at maging sa Zamboanga del Norte Rubber Estate Corporation.

Ayon sa balitang lumabas,a ang apat na korporasyong pag-aari ng pamahalaan ay sangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>