Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Labing-isa Libangan

(GMT+08:00) 2014-06-15 15:21:15       CRI

我喜欢看书(wǒxǐhuankànshū) 周末你一般干什么(zhōu mò nǐ yì bān gàn shén me)

Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa

Sa usapan ay mayroon ding ekspresyong 你呢(nǐ ne). Ang 你呢(nǐ ne) ay nangangahulugan ng "At ikaw?" o "Ikaw naman?" Pagkatapos nito hindi na kailangang ulitin ninyo pa ang tanong pero okey lang naman kung ulitin ninyo. Sa ikalawang usapan, ang isinagot sa tanong ay "Mahilig akong maglakbay."

我(wǒ)喜(xǐ)欢(huan)旅(lǚ)游(yóu)。

旅(lǚ)游(yóu), maglakbay.

Baka napuna na ninyo na maaarin ninyong sundan ang "我喜欢 (wǒ xǐ huan)" ng libangan ninyo.

Naritong muli ang ikalawang usapan:

A:你的爱好是什么?Ano ang mga libangan mo?

B:我喜欢看书。你呢?你的爱好是什么?Mahilig akong magbasa. At ikaw? Ano ang mga libangan mo?

A:我喜欢旅游。Mahilig akong maglakbay.

Narito ang isa pang gamiting pangungusap: "Ano ang madalas mong gawin sa pagtatapos ng linggo?" Sa wikang Tsino, ito ay:

周末你一般干什么(zhōu mò nǐ yì bān gàn shén me)?

周末zhōu mò, pagtatapos ng linggo, weekend.

你nǐ, ka, ikaw.

一般yì bān, madalas.

干gàn, gawin.

什么shén me, ano.

Narito po ang usapan bilang tatlo:

A:周末你一般干什么?Ano ang madalas mong gawin kung weekend?

B:打网球。Naglalaro ng tenis.

Narito po ang Mga Tip ng Kulturang Tsino:

Ayon sa kasabihang Tsino, "Ang tao ay may mukha kung paanong ang puno ay mayroong balat ng kahoy," na nangangahulugang ang tao ay may kahihiyan. Pinagtutuunan ng pansin ng karamihan ng mga Tsino ang "面子(miànzi)". Ang literal na kahulugan ng "面子(miànzi)" ay panlabas na bahagi o mukha ng isang tao, pero ang malawak na kahulugan nito ay reputasyon o prestihiyo. May matagal na impluwensiya ng Konpusyanismo na nagtataguyod ng "ang harmonya ay mahalaga" bilang pundamental na prinsipyo ng pagtatalastasan ng mga tao, "ang pag-iwas na malagay sa kahihiyan ang ibang tao sa publiko" ay mahalagang paraan ng pagpapanatili ng harmonya sa relasyon sa iba. Bukod dito, itinataguyod din ng Konpusyanismo na ang magkaibigan ay dapat mabuhay nang magkasama at mamatay nang magkasama. Maski ang magkakaibigan ay nagkakamali rin at hindi dapat tukuyin ang pagkakamaling ito sa harap ng ibang tao. Ang pag-iwas na mapahiya ang iba ay hindi lamang pagpapakita ng paggalang sa mga ito kundi nagsisilbi ring langis na nagpapaalwan sa takbo ng relasyon ng mga tao.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>