|
||||||||
|
||
Hold departure order, inilabas laban kina Senador Estrada at 13 iba pa
NAGPALABAS na ng Hold Departure Order ang Sandiganbayan laban kay Senador JInggoy Estrada at 13 iba pang mga kapwa akusado sa pork-barrel scam.
Ang kautusan na pinalabas ng Fifth Division ang nagbabawal kay Estrada na umalis ng bansa samantalang nililiitis pa silang mga akusado.
Si Senador Estrada at mga Senador Juan Ponce Enrile at Ramon "Bong" Revilla, Jr. ay pawang mga akusado ng plunder at graft sanhi ng malawakang Priority Development Assistance Fund controversy.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |