|
||||||||
|
||
Mga manggagawang mula sa Libya, pabalik na
KUNG hindi magkakaroon ng anumang balakid, darating mamayang ikasampu ng gabi sakay ng Emirates Air flight EK 334 ang may 12 manggagawa. Unan ng dumating ang 18 mga manggagawa sakay ng EK 332 kaninang ika-apat ng hapon.
Ani Assist. Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs, mula sa Libya ng mga manggagawa na sumailalim sa repatriation program ng pamahalaan.
Mayroon pang 329 manggagawa ang naghihintay ng kanilang masasakyan pauwi sa Pilipinas.
Ang mga manggagawang dumating sa bansa ay ikalawang grupong naglakbay pauwi sa loob ng dalawang linggo mula ng itaas ng pamahalaan sa Alert Level 3 ang buong Libya noong ika-29 ng Mayo dahil sa masidhing kaguluhang nagaganap doon.
Sinabi ni Asst. Secretary Jose na pawang mga kawani ng Doosan Industries and Construction at Tripoli Carpet Factory ang mga umuwi sa bansa. Sa kanilang pagbalik, 89 na ang total ng mga nakinabang sa repatriation program. Patuloy umanong dumarami ang bilang ng mga manggagawang nais umuwi na ng bansa.
Ang alert level 3 ay nangangahulugan ng voluntary repatriation at pagbabawal ng pagpapadala ng mga bagong manggagawa sa magulong bansa. Ang mga manggagawang mayroong mga kontrata ay papayagang makabalik sa kanilang mga trabaho.
Higit sa 13,000 mga manggagawa ang nasa Libya na nasa construction at healthcare sectors.
Nanawagan pa si Asst. Sec. Jose sa mga Filipino sa Libya na mas makabubuting umuwi na muna bago mapagitna sa kaguluhan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |