|
||||||||
|
||
Alert Level sa Thailand, ibinaba na
SA unti-unting pagbabalik sa normal ng political situation sa Thailand na kinabibilangan ng pag-aalis ng curfew sa buong bansa noong Biyernes, ibinaba na ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario ang alert level mula sa 2 patungo sa 1.
Sa ilalim ng Alert Level 1, pinag-iingat ang mga Filipino sa Thailand.
Ang ban o pagbabawal sa pagpapadala ng overseas Filipino workers, maging balik-manggagawa o bagong tanggap na manggagawa ay maaalis na rin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |