|
||||||||
|
||
你们有什么特色菜 你需要刀叉吗
20140623Aralin13Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsama sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Kumusta po kayong lahat mga kamag-aral? Noong nakaraang linggo, pinag-aralan natin ang mga ekspresyon na maaari nating gamitin kung tayo ay magpupunta sa fast food restaurant.
Ang misyon sa araling ito ay may kinalaman sa pagkain sa restawran na Tsino.
你们有什么特色菜(nǐ men yǒu shén me tè sè cài)? Ano ang inyong espesyalti?
你需要刀叉吗(nǐ xū yào dāo chā ma)? Kailangan ba ninyo ng kutsilyo't tinidor?
请问你要红茶吗(qǐng wèn nǐ yào hóng chá ma)? Gusto ba ninyo ng tsaang itim?
我们AA制吧(wǒ men AA zhì ba)。Hati tayo sa bayad.
Kadalasan, kung magpupunta tayo sa isang restawran na Tsino para kumain, itinatanong muna natin kung ano ang kanilang espesyalti. Ang paraan ng pagsasabi ng "Ano ang inyong espesyalti?" sa wikang Tsino ay:
你们有什么特色菜(nǐ men yǒu shén me tè sè cài)?
你们nǐ men, kayo.
有yǒu, magkaroon o mayroon.
什么shén me, ano.
特色tè sè, espesyal.
菜cài, putahe.
特色菜tè sè cài, espesyalti.
Narito ang unang usapan:
A:你们有什么特色菜?Ano ang inyong espesyalti?
B:烤鸭。你喜欢吗? Roast Duck. Gusto mo ba ito?
A:喜欢。Oo.
Ang chopsticks ay walang-katulad na gamit para sa mga Tsino kung sila ay kumakain. Para sa mga dayuhan na kararating lang sa Tsina o doon sa mga hindi pa nagtatagal dito, maari kayong alukin ng kutsilyo't tinidor ng weytres sakaling hindi kayo sanay gumamit ng chopsticks. Narito ang isang gamiting pangungusap: "Kailangan mo ba ng kutsilyo't tinidor?"
你需要刀叉吗 (nǐ xū yào dāo chā ma)?
你nǐ, ka/ikaw.
需要xū yào, kailangan.
刀dāo, kutsilyo.
叉chā, tinidor.
吗ma, kataga na nagpapahiwatig ng tanong.
Narito ang ikalawang usapan:
A:你需要刀叉吗? Kailangan mo ba ng kutsilyo't tinidor?"
B:不。我想试着用筷子。Gusto kong subukin ang chopsticks.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |