Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Labintatlo Sa isang Restawran na Tsino

(GMT+08:00) 2014-06-23 10:50:58       CRI

请问你要红茶吗

Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa

Gaya ng alam natin, ang tsaa ay hindi maaring mawala sa pamumuhay ng mga Tsino. At kung kumakain kasama ang mga kaibigan at panauhin, hindi nawawala sa mga Tsino ang pagiging maasikaso sa iba na gaya ng pagtatanong ng "Gusto ba ninyong uminom ng tsaang pula?" Sa wikang Tsino ito ay:

请问你要红茶吗(qǐng wèn nǐ yào hóng chá ma)?

请qǐng, pakiusap.

问wèn, magtanong.

请问qǐng wèn, maari bang magtanong... Kung may impormasyong gustong malaman, madalas na gamitin ng mga Tsino ang请问qǐng wèn sa simula ng pangungusap bilang paggalang. Halimbawa, tulad ng natutunan natin sa dating aralin, 请(qǐng)问(wèn), 洗(xǐ)手(shǒu)间(jiān)在(zài)哪(nǎ)儿(er)? Mawalang-galang na, saan ang CR?

你nǐ, ka/ikaw.

要yào, gusto o kailangan.

红茶hóng chá, tsaang pula..

吗 ma, kataga na nagpapahiwatig ng tanong. Baka napuna ninyo, sa wikang Tsino, inilalagay ang katagang pananong sa hulihan ng pangungusap.

Narito ikatlong usapan:

A:请问你要红茶吗?(Mawalang-galang na), maari bang malaman kung gusto ninyo ng tsaang itim?

B:我想尝尝中国绿茶。Gusto kong tikman iyong berdeng tsaang Tsino.

Ngayon, dumako naman tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino:

Ang sining ng pagluluto ng pagkaing Tsino ay nagtatamasa ng kanyang reputasyong pandaigdig. Sa loob ng mahabang panahong pag-unlad, ang iba't ibang lugar sa Tsina ay nagpaunlad ng kani-kanilang walang-kapares na lutuin at sa mga ito, ang pinakakilala ay iyong tinatawag na "Eight Cuisines in China" na kinabibilangan ng Lutuing Shandong, Lutuing Sichuan, Lutuing Guangdong o Lutuing Cantonese, Lutuing Jiangsu, Lutuing Zhejiang, Lutuing Fujian, Lutuing Hunan at Lutuing Anhui.

Iba't iba ang ipinagmamalaking lasa ng mga lutuing ito. Halimbawa, ang Lutuing Sichuan ay maanghang, ang Lutuing Jiangsu ay manamis-namis at ang Lutuing Cantonese naman ay katamtaman ang lasa. Ang dumpling ay mayroon nang mahigit isang libong taong kasaysayan. Ito ang isa sa mga paboritong pagkain ng mga Tsino. Binabalutan ang mga ito ng dumpling skins at pinalalamanan ng karne at gulay tapos pinakukuluan sa tubig. Ang dumplings ay maihahalintulad sa hugis-sapatos na ginto o pilak na ingots na ginagamit na pera noong araw, kaya ang mga Chinese ay nagluluto ng dumplings kung Spring Festival o Chinese New Year, na anila ay "nagpapahiwatig ng pagpasok ng pera at yaman."

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>