|
||||||||
|
||
melo/20140702.m4a
|
SENADOR DEFENSOR-SANTIAGO, MAY KANSER. Ibinalita ni Senador Miriam Defensor-Santiago na nabatid ng kanyang mga manggagamot na mayroon siyang Stage 4 Lung Cancer matapos sumailalim sa biopsy noong ika-21 ng Hunyo. Bagaman, umaaasa ang senador na gagaling siya sa pamamagitan ng chemotherapy. (Senate Photo)
INAMIN ni Senador Miriam Defensor-Santiago na nabatid ng kanyang mga manggagamot na mayroon siyang Stage 4 Lung Cancer.
Sa isang press conference, sinabi ng senador na mayroon siyang kanser sa kaliwang baga kaya't nahihirapan siyang buminga. Maaaring napuna na ng mga mamamahayag na nahihirapang huminga ang mambabatas (sa mga nakalipas na panahon).
Hindi pa umano nababatid ng kanyang mga manggagamot kung ano ang naging dahilan ng kanyang lung cancer.
Ayon sa media reports, may ulat sa Makati Medical Center na nakarating sa tanggapan ni Senador Santiago na may nakitang mga tumor sa kaliwang baga matapos sumailalim sa biopsy noong ika-21 ng Hunyo.
Subalit sinabi ng mambabatas na hindi pa kumakalat ang kanser at umaasang gagaling sa loob ng anim na buwan dahilan sa kanyang mga gamot na iniinom.
Ipinaliwanag niyang ang chemotherapy ay sa pamamagitan na ng tablet na tinaguriang molecular targeting. Wala umanong ibang iinumin subalit magkakaroon ng epekto ng chemotherapy kaya't umaasa siyang gagaling sa loob ng anim na linggo.
Masayang humarap sa mga mamamahayag ang mambabatas at nagbiro pa tungkol sa kanyang karamdaman.
Hindi raw umano niya malalaman ang reaksyon ng kanyang mga kalaban. Marahil umano'y masaya na sila sapagkat maaari na siyang mamatay at hindi na sila magagambala pa. Sa kabilang dako, malaki ang posibilidad na makaligtas siya kaya't mapupuksa ang kanyang mga kalaban.
Maliban kay Senador Antonio Trillanes IV, si Senador Santiago ang nagtala ng pinakamaraming pagliban sa mga sesyon. Sa 80 araw na pagtitipon, nakadalo siya ng limang sesyon ng Senado.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |