|
||||||||
|
||
Partido Komunista ng Pilipinas, natuwa sa desisyon sa DAP
IKINATUWA ng Communist Party of the Philippines ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program bilang taliwas sa Saligang Batas ng bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng CPP na ang desisyon ay magpapalakas sa panawagang alisin na ang buong pork barrel system at panagutin sina Pangulong Aquino at mga kasama ng sa kasong plunder at corruption.
Ayon sa CPP, ang desisyon ay naglalayong ikubli si Pangulong Aquino sa impeachment at mga usapin sa oras na mawala na sa Malacanang, sapagkat idineklara lamang ang ilang bahagi ng DAP bilang taliwas sa Saligang Batas. Batid rin ng CPP na mayroong posibilidad na magdeklarang ang mga paglabag sa batas ay maparurusahan lamang sa mga susunod na panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |