|
||||||||
|
||
Senate President Drilon: Suportado ko sina Pangulong Aquino
SUPORTADO ni Senate President Franklin M. Drilon sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Budget Secretary Florencio B. Abad sa likod ng mga tuligsa laban sa kanila matapos ideklara ng Korte Suprema na taliwas sa saligang batas ang Disbursement Acceleration Program.
Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Drilon na ang pangulo, sa tulong ni Kalihim Abad ang nagpatupad ng mga reporma sa ekonomiya at anti-corruption measures na hindi naganap sa mga nakalipas na administrasyon.
Naging dahilan ang mga pagkilos na ito upang tumibay ang pagtitiwala ng mga mangangalakal at nagpabuti sa business climate kaya't nagkaroon ng higit na hanapbuhay at mas maraming oportunidad na makapag-aral, nagpaunlad sa health at basic social services at mas maraming pagawaing-bayan.
Natamo ng Pilipinas ang pinakamataas na credit rating kahit matindi ang naging pinsala ng mga nakalipas na mga kalamidad.
Nanindigan si Senador Drilon na kahit nagkaroon ng kaibang desisyon ang Korte Suprema, napakinabangan naman ang DAP upang umunlad ang ekonomiya at hindi ito ginamit bilang paraan ng korupsyon at pag-abuso.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |