|
||||||||
|
||
Filipinong arsobispo, hinirang na Vatican Ambassador sa United Nations
HINIRANG ni Pope Francis si Arsobispo Bernardito C. Auza, ang Apostolic Nuncio sa Haiti, bilang permanent representative ng Vatican sa United Nations sa New York.
Lumabas ang balita sa pahayagang L'Osservatore Romano at nagsabing si Asobispo Auza, 55 taong gulang na taga-Talibon, Bohol ang pinakahuling appointee ni Pope Francis.
Naging obispo noong ika-walo ng Mayo, 2008 at nahirang ding Apostolic Nuncio to Haiti. Si Cardinal Tarcisio Bertone na noo's Secretary of State ang principal consecrator.
Siya ang apostolic nuncio sa Haiti ng tumama ang isang magnitude 7 na lindol noong 2010. Una siyang naitalaga sa Madagascar noong 1990 hanggang 1993 at miyembro ng Permanent Mission ng Holy See sa UN bago siya nahirang sa Haiti.
Papalitan niya si Arsobispo Francis Chullikatt ng India, ang unang non-Italian na mahirang sa United Nations.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |