|
||||||||
|
||
Tsina at Pilipinas, matatalik na magkakaibigan, magkakanegosyo
PILIPINAS AT TSINA, MAGKAKAIBIGAN. Sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na magkakaibigan ang Pilipinas at Tsina. Magkakasama rin ang dalawang bansa sa larangan ng kalakal. Ito ang buod ng kanyang mensahe sa Welcome Dinner ng Philippine Chamber of Commerce and Industry. (Melo Acuna)
PATULOY ang pag-unlad ng Tsina at mahalaga ang papel nito sa pandaigdigang ekonomiya. Ito ang sinabi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa isang Welcome Dinner NG Philippine Chamber of Commerce and Industry kagagi sa PCCI Main Office.
Ani Ambassador Zhao, sa populasyon na 1.36 bilyon katao, at may Gross Domestic Product na US$ 9.27 trilyon, nasa ikalawang puesto ang Tsina sa mga bansa ng daigdig. Umabot na rin sa 7.7% growth ng Gross Domestic Product at umaambag ang bansa ng may 30% sa pandaigdigang ekonomiya.
Kung susuriin ang GDP per capita, aabot ito sa US$6,800 at nasa ika-80 puesto sa daigdig. Mayroon din silang inflation rate na 2.6% at mayroong registered urban unemployment rate na 4.05%.
Patuloy na ring lumalago ang foreign trade ng Tsina mula sa US$ 115 bilyon noong 1990, umabot na sa US$ 4,160 trilyon ang kanilang kalakal.
Matapos ang may 30 taon ng reporma at pagbubukas ng bansa sa daigdig, nasa ikalawang puesto na ang Tsina kung ekonomiya sa daigdig ang pag-uusapan. No. 1 ang Tsina sa merchandise trade at patuloy na napapaangat ang buhay ng 1.3 bilyong mahihirap sa pag-aangat ng may 600 milyong mahihirap. Kinikilala na ang Tsina bilang pandaigdigang pabrika.
Bagaman, nahaharap ang Tsina sa pagkakaroon ng mababang Gross Domestic Product per capita, nananatili pa ang agwat ng mayayaman sa kahihirap at may kalakihan pa ang bilang ng mga babubuhay ng mas mababa sa poverty line. Binanggit din ni Ambassador Zhao na hindi balanse ang kaunlarang nagaganap sa mga mamamayan sa silangan at kanlurang bahagi ng bansa. Nakikita na rin nila ang suliraning dulot ng pangangailangan ng likas na yaman at problema sa kapaligiran.
Binanggit din ni Ambassador Zhao na patuloy ang kalakal ng mga kumpanyang Pilipino sa Tsina tulad ng ShoeMart o SM, Asia Brewery, Bench, Oishi, MetroBank, Jollibee at Eton Hotels.
Kung pagsasama-samahin ang kalakal ng Pilipinas sa Tsina, Taiwan, Hong Kong at Macau, tiyak na mangungunang trading partner ang Tsina at mahihigitan ang kalakal sa Estados Unidos.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |