|
||||||||
|
||
Pangulong Jim Yong Kim ng World Bank, dadalaw sa Pilipinas
NAKATAKDANG dumalaw sa Pilipinas si Pangulong Jim Yong Kim ng World Bank Group mula ika-14, Lunes hanggang sa ika-15, Martes upang mapalakas ang kanilang suporta sa mga palatuntunang magbabawas ng kahirapat at magpapatatag sa harap ng mga trahedya at epekto ng pagbabago sa klima.
Makakaharap ni Dr. Kim ang mga pinuno ng pamahalaan, mga bumubuo ng civil society, pribadong sektor, at mga kabataan. Dadalaw din siya sa mga napinsalang pook ni Yolanda. Magsasalita siya sa Daylight Dialogue: The Good Governance Challenge, isang pagpupulong na binuo ng Tanggapan ni Pangulong Aquino. Ito ang kanyang unang pagkakataong dumalaw sa Pilipinas bilang Pangulo ng World Bank.
Isang press conference ang idaraos sa ganap na ika-apat ng hapon sa darating na Martes sa Gabriela Silang Hall, ika-22 palapag ng One Global Place saTaguig City, Metro Manila.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |