|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Negosyante at broker, kinasuhan na
KINASUHAN ng smuggling ng Bureau of Customs ang isang kumpanyang illegal na nag-angkat ng bawang na nagkakahalaga ng P 30 milyon.
Ayon sa Bureau of Customs, isang Aiza Cita Asan Salise, may-ari ng Good Earth Merchandise at ang customs broker na si Antonio Castro Enriquez ay kinasuhan ng paglabag sa Presidential Decree No. 1433 sa pag-aangkat ng bawang ng walang pahintulot mula sa Bureau of Plant Industry at Section 3601 ng Tarriff and Customs Code of the Philippines sa labag sa batas na pag-aangkat.
Ang reklamo ay nagmula sa pagsamsam ng 101 metriko toneladang bawang na ipinuslit mula sa Hong Kong sa daungan ng Batangas noong nakalipas na buwan.
Nakalagay sa apat na 40-footer container vans noong unang araw at ika-12 ng Hunyo. Deklarado ang mga ito na raw materials para sa tsokolate. Wala umanong phyto-sanitary clearance tulad ng isinasaad ng Department of Agriculture para sa mga inangkat na agricultural products. Hindi ideneklara ng importer at broker at 'di nagbayag ng tamang buwis para sa mga kargamento. Kung walang aumang panganib sa mga produkto, maaaring ipagbili ng pamahalaan ang bawang upang maibsan ang mataas na presyo nito.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |